Demo Site

Wednesday, November 24, 2010

Kaloob

sa pluma ng Batang Mapagmasid 

http://www.safedev.com/uploads/100915/1-1009151F141520.jpg
ITO ang natatanging salita na maaring magpalaya sa lahat buhat ng anumang bigat at sakit ng buhay: Ang salitang Pag-ibig (pangngalan) o Pagmamahal (pandiwa). Isa na marahil sa pinaka-inaabusong salita sa mundo sunod ng salitang “patawad”. Sa pagkakataong ito, aking ibabahagi sa unang pagkakataon ang ilang niloloob sa anggulo ng pag-ibig. Ang pag-ibig ay hindi kailanman naging solong pakiramdam sa kanyang sarili, ngunit ito ay isang damdaming nabubuo sa pagitan ng dalawa o higit pang mga damdamin. Isa sa salitang pinakamadaling ihalintulad sa digmaan, maniwala man tayo o hindi. Pag-ibg ang isa sa pinakamadaling bagay upang simulan, ngunit pinakamahirap talikdan o hilumin. Ito ay mga hindi mapaglabanang pagnanais na hindi maikukubli. Higit na malinaw sa tatlong salitang (I Love You) na ating binibitawan sa ating mga nililigawan. Ang pag-ibig ay kaakibat ng gawi o debosyong dalisay sa mga bagay na kinagawian sa pang araw-araw.

Ang pag-ibig ay maihahalintulad sa sulyap kung ano ang magiging langit para sa atin. Dapat tandaan na ang pag-ibig ay laging ipinagkaloob bilang isang regalo – Malaya, kusa at hindi nagtatakda ng espektasyon, hindi tayo umiibig para mahalin, tayo’y umiibig dahil tayong nagmamahal. Kapag sinabi mo ang katagang “Mahal Kita,” siguraduhin mong ito’y paninindigan at handa mong gawin ang anuman at lahat para sa iyong minamahal. 

Hindi ka dapat umasa sa anumang kapalit habang nagmamahal. Kapag ikaw ay nagbahagi nito, tandaan na hindi ito gagarantiya sa anumang kapalit. Pag-ibig para sa kapakanan ng pagmamahal, at iyong mapagtatanto na ang bawat isa ay may iba’t ibang paraan nang pagpapakita nito. Maaring mawala ang mahal mo, ngunit ito ay nagbibigay daan sa lalong pagpapahalaga sa kung anong meron ka. Alalahanin na may libu-libong nagnanis sa iyong sapatos ngunit ‘di ganap na pinalad matagpuan ang tunay na pag-ibig. Kaya pahalagahan ang mga sandali at huwag baliwalain ang ipagnakaloob.

Ito ay hindi tungkol sa paghahanap ng taong makakasama lamang, ngunit isang pagtatagpo sa isang taong angkop sa’yo at panatag ka. Kung hindi magawang mahalin ang iyong sarili, paano mo magagawang magmahal ng iba? Huwag ihambing ang iyong damdamin sa kung ano ang iyong ginagamit upang pakiramdaman ang isang tao. Ang lahat ay maaring makaranas ng pagtanggi sa gitna ng pag-ibig, ngunit maaring magsilbing daan ito sa tunay na pag-ibig. Ang lalaki at babae ay pantay sa paningin ng Diyos ngunit magkaiba sa aspeto ng kalikasan. Ang taong tunay na nagmamahal ay kayang magbigay espasyo sa kaniyang kapareha, kahit hindi niya nais na gawin ito. Minsan ang pag-ibig ay siyang kailangan upang punan ang huling piraso ng suliranin sa ating mga puso.

Ang nagmamahalan ay hindi ipinagpipilitan ang paraan ng isa ang pinakamahusay dahilan upang magsakripisyo ang isa, bagkus pinupunan nila ang gusot tungo sa ikapapanatag ng parehong panig. Hindi sinasamantala ang kahinaan at kabiguan ng isa, ngunit nakibabahagi sa nadarama ng isa. Umiyak kung ang isa ay malungkot, ngunite dahil ang isa ay maligaya. Laging makatatagpo ng suliranin sa pag-abot ng tunay na pag-ibig, ngunit huwag hayaang ang problema ang sumira sa kaligayahan, sa halip ito’y magsilbing pag-asa. Matutunang lagpasan ang problema’t pagdududa at mapagtanto na kahit anung suliraning ay inyong malalagpasan, ang inyong pag-ibig ay magsisilbing daan. Ang tunay na pagmamahal ay nagpapabago ng puso sa ‘di inaasahang pagkakataon at gawi. 

Ang pagtamo ng tunay na pamamahal sa kasalukuyang mundo ay maaring lubhang napakahirap at isang misyon nakaatang sa mga nakahandang lumaban para sa lahat at anumang bagay upang manatili ang kanilang pag-ibig. Ang pagmamahal ay susubok sa iyong limitasyon, itutulak ka hanggang sa iyong hangganan, ngunit maging iyong huling dahilan upang sabihing nagkakahalaga ang iyong buhay sa mundong ibabaw. At oras na maranasan mo ang tunay na pagmamahal, ang natatatanging bagay na magwalay sa inyo ay ikaw at mananatiling ikaw.
 "Though love abounds, true romantic love is very rare. True love is not only about feelings but it also relates to actions. The feeling is just feeling, which rises and falls in due course of time. True love is doing what is kind and unselfish. So we can choose to love. Our yardstick of love should be agape or selfless love or unconditional love."  

quoted from: http://hubpages.com/hub/Lovems0321

Tuesday, November 2, 2010

Sagwil


ng Batang Mapagmasid

















Hindi mo ba naririnig
Nakabibinging hiyaw at daing
Tangkain mo kayang tanggalin
At sa kanila ay ibaling

Upang iyong makita
Ang mga walang makita
Sapagkatl iyong binulag
Sanhi ng kanilang paglabag

Ika’y kanilang tinititigan
Sikapin mo kayang malasin
Hindi ba’t masakit sa mata?
Na mahapdi sa diwa?

Ano iyong ginagawa?
Kundi isawalang bahala
Bumili ng maipagyayabang
Bituka nama’y nahahalang

Puno ka ng kinang sa balat
Ngunit kaluluwa ay salat
Bakuran ay bundok na kalat
Sa puting mapagkunwa sa lahat

Upuan ayaw padapuan
Agawan sa ‘di kalayuan
Ipinipirme sa kaharian
Nakaw pala sa mamamayan

Sa pagkatulog ay mambubulabog
Patalim sayo ay gugulong
Sa kahon ika’y mahuhulog
Suot ang magarang barong

Ihihimlay sa kwadradong rehas
Sila’y muling mangangahas
Kunin pabaon sayong alahas
Para may pambili ng gatas

Mataguyod lang kanyang anak
Sa pamilya mo’y tatarak
Ikaw ang nagbahid ng burak
Sa lahi mong malawak