Demo Site

Friday, September 3, 2010

Pariseyo

pluma ni Batang Mapagmasid



















Daigdig napapanganga
Sa sambit natutunganga
Sa wika'y napapatungo
Daan pilit tinutungo

Sa hipokritong asal lulong
Sa hawla ay kinukulong
Mundo dahang lumiliit
Katawan ay naiipit

Mata na mapaghimagsik
Tulay sa daang mabagsik
Gaspang ng kamay na kay higpit
Sasakal sa pusong gipit

Sa likod ng sedang puti
Dyablo pala ang naghahari
Sa isipang 'di mawari
Sa gawaing 'di mabuti
 
Pinuno ang latang bulgar
Saksi ang mataong lugar
Kanang kamay nangangalyo
Sa pagdaan sa ibayo

Dadasal nang mataimtim
Pusong huwad nangingitim
Idolo ang pananggalang
Sa kabutihang nangangalag

Kataasan ay nagalit
Binaba na ang kapalit
'Pang kalipunan ay iguho
Sa tadhana ay babago

0 kumentaryo:

Post a Comment