Taumbayan ‘di nangangalay
Maghapon nang nakatulala
Sa gabi naman walang wala
Sa pagtuntong ng haring araw
Panorama’y nagingibabaw
Aawit ng lupang hinirang
Punong-puno naman ng utang
Saksi sa iba’t ibang istorya
Gawain naman ‘di makuha
Mata at tenga nga’y nabusog
Katawan nama’y ‘di malusog
Wiling-wili sa manloloko
Isipa’y tuluyang binago
Sa magdamag ay nakababad
Kaloob prinsipyong tamad
‘Di bale na siya ay hikahos
Sa kwadrado naman ang buhos
Tatanda ng walang trabaho
Mag-aanak nalang ng bulto
Istasyon niya’y pinagtatanggol
Turing sa kaanak masahol
Salamin ng kanyang tahanan
Repleksyon ng ating lipunan
Mayaman lalong yumayaman
Mahirap lalong nawawalan
Abang bayan natutulala
Maralita ay nangangapa
Marami ang walang trabaho
Marami rin walang tinungo
Dahil maghapong nakatungo
Habambuhay nang nakayuko
0 kumentaryo:
Post a Comment