Demo Site

Friday, October 22, 2010

Kontrasepsyon, sa Aking Perspektibo

sa pluma ni Batang Mapagmasid

Ang kontrasepsyon ay hindi na bago, ayon sa tala ng kasaysayan ang mga lumang tao ay gumagamit ng iba’t ibang paraan sa pagkontrol ng kapanganakan apat na libong taon na ang nakaraan. Sila ay umiinom ng posyon na sanhi ng pansamantalang pagkabaog; gumagamit sila ng linen; balahibo ng tupa o balat ng hayop bilang pamamaraan panghadlang; sila’y nagpapahid sa matris ng lason upang panatilihin ito mula sa pagdadala ng buhay. Ang mga Romano ay gumamit ng kontrasepsyon, ngunit ang mga unang Kristiyano ay hindi yumakap sa paganong kultura at tinanggihan ang paggamit nito.

Kinokondena ng bibliya ang nasabing gawain (Gen. 38:8-10), gaya ng ginawa ng lahat ng Kristiyano bago ang taong 1930. Sa panahon ng mga Anglikano Iglesia ay nagpasyang payagan ang kontrasepsyon sa ilang mga sitwasyon. Di naglaon sinundan ito ng mga protestateng denominasyon. Ngunit ang Katolikong Simbahan ay nanatili sa doktrina ng makasaysayang Kristiyanismo. Ngunit bakit? Bakit ang simabahan ay nanatili sa lumang doktrina?

Ang modernong mundo ay may problema sa pag-unawa sa tindig ng Simbahan sa pagbubuntis dulot ng modernisasyon na nagpapalimot sa tunay na layunin ng pakikipagtalik. Ito ay hindi lubos nauunawaan ng bagong tao. Hinahangad niya ito, pinapangarap, inilalarawan, ibinibigay ang buong pag-iisip, iniisip na ang pagkikipagtalik ay isang mapalad na gawin; nakikita niya na lahat ng kanyang problema ay masusulosyunan ng isang problema kung saan makakakuha siya ng pinaka-kasiyahan sa labas ng mga ito.

Ngunit dapat nating isaisip ang mga bagay na ito. Sino ang nag-imbento ng sex? Ano ang sex? Ano ang kanyang layunin? Gaano ito kahalaga? Para sa mga Kristiyanong kagaya mo, ang Diyos ay siyang nag-imbento ng sex. Dahil siya ang nagbigay nito, Siya ay may awtoridad na tukuyin ang layunin at kahulugan nito. Diyos ang nagsiwalat na ang layunin ng sex ay pagpapadami at pagsasama. Sa araw ng mag-asawa, ang pagtatalik ay kahalintulad sa panata at pangako sa isang kasal na isinakatuparan ng laman. Sa araw ng kasal, pangako nila na ang pagmamahal ay libre, tapat, at bukas sa buhay. Ang bawat pagkilos ng pagtatalik ay pagpapanibago ng kanilang panata.

Ang ilang magkapareha ay nagsasabing sila ay bukas sa buhay ngunit gagamit ng kontraseptibo sa pagitan ng mga bata. Sa ibang salita, sila ay ganap na bukas sa buhay maliban na lamang sa kanilang responsibilidad matapos ang pagtatalik. Paano na lamang kung ganito ang mentalidad sa iba pang bahagi ng kanilang kasal-panata.

Maaring bang sabihin ng asawa na siya ay tapat habang wala siyang kalaguyo? Masasabi niya bang maibibigay niya ang kanyang sariling ganap sa kanyang asawa habang siya ay mayaman? Masasabi ba ng lalaki na ang pakikipagtalik ay libre maliban kung ipupwersa niya ang sarili sa kanyang asawa? Ang lahat ng ito ay walang katotohanan, ngunit ang mag-asawang gumagamit ng kontraseptibo ay pinasisinungalingan ang kanilang sariling panata na sila ay magiging bukas sa Diyos –ang regalo ng buhay. Kapag dumating ang puntong ito, sila ay natatakot kung ano ba ang ibig sabihin ng sex.
Ngunit ang pakikipagtalik ay higit sa isang panata sa kasal na ginawang laman. Ito din ay salamin ng mga nagbibigay-buhay pag-ibig sa Trinitaryo. Sa bibliya, ang babae at lalaki ay hindi ginawa upang mangalaga lamang ng mga uri ng hayop, ganun din ang mga hayop. Ang tao ay tinawag upang maging imahe at wangis ng Diyos, ito ay nagpapahayag sa ating katawan, ang mukha ng Diyos ay ang pagmamahal.

Hangad ng Panginoon sa atin ay magmahal tulad ng pagmamahal Niya sa atin na nakatatak sa ating pagkatao, kaya isang tanong ang dapat nating tanungin kapag pumasok ang sekswal na moralidad: “Ako ba ay nagpapahayag ng pag-ibig ng Diyos sa aking katawan o para lamang sa aking sariling interes?” kapag ang isang mag-asawa ay ginawa ito, nagiging sila ay ganap –isang imahe ng tunay na pag-ibig –at sa pamamagitan nito isinasakatuparan nila ang pagmamahal ng Diyos sa mundo. Ang pagkilos na nagbibigay-buhay pag-ibig sa pagitan ng mag-asawa ay sumasalamin sa pag-ibig ng Diyos sa kanyang simbahan tulad ng sinasabi ng Bibliya na ang Simbahan ay asawa ni Kristo (Eph 5:23-32). Ating tanungin sa ating mga sarili: “Isinasaalang-alang ba namin ang relasyon ni Kristo at ng kaniyang Simbahan na aming kinabibilangan?, saan papasok ang kontrasepsyon sa relasyong ito? Ano ang kontrasepsyon sa pag-ibig ni Kristo?

Lingid sa teolikong implikasyon, dapat nating isaalang-alang ang mga kahihinatnan ng kontrasepsyon sa lipunan. Kapag ito ay kumalat sa ‘ting bansa, ito ay maaring mas puminsala at pahirapan ang mga relasyon mag-asawa. Dadami ang pagtataksil dulot nang walang kapangambahan sa pakikipagtalik sa labas ng tahanan dahil inaalok nito ang madaling paraan upang matakasan ang masamang dulot ng pakikipag-apid, bababa ang moralidad sa lipunan, dadami ang relasyon sa kapwa kasarian dahil mababawasan ang takot sa sakit na maaring makuha rito. Ang Simbahan ay natatakot na abusuhin ito lalo na ng mga kalalakihan, maaring bumaba ang tingin sa mga kababaihan, at hindi na maalagaan ang kanyang pisikal at sikolohikal na aspeto, maaring dumating ang punto na ang tingin sa mga kababaihan ay pansaraling parausan, at hindi na tulad ng kanyang iginagalang at minamahal na kasama, lalong dadali ang proseso ng deborsyo, marami ang batang magiging produkto ng nasirang pamilya.

Napakasarap sabihin sa iyong asawa na nagawa mong magtimpi at alagaan ang iyong sariling katawan sa kabila ng libu-libong gumamit ng kontraseptibs at nakikipagtalik ng maaga. Napakaswerte siguro nang iyong mapapangasawa dahil inihanda mo ang iyong sarili sa takdang panahon na ibabahagi mo ito sa kanya -walang pag-aalinlangan kung gagamit ka ba ng kontraseptibs dahil NANINIWALA ka na malinis siya dahil nagmamahalan kayo.


Bukod dito, ang mga tao ay maaring ihiwalay ang paggawa ng pagmamahal mula sa paggawa ng buhay (kaya ipinagbabawal ang homosekswal at masturbesyon). Sa pamamagitan ng pagtaas ng kontraseptibs, ito ay magiging unting mahirap na makita na ang pakikipagtalik ay simbolo ng pag-ibig ng Diyos. Hindi maipaghihiwalay ang pagmamahal sa paggawa ng buhay tulad ng ginawa ng Diyos sa atin.

Ang ilan ay nagsasabing ang Simbahan ay pumipiil sa kalayaan ng mga kababaihan. Gayunman, ang maasim na bunga ng kontraseptibo ay “Kalayaan” ito ay maling kahulugan ng kalayaan. Kalayaan upang talikdan ang pagmamahal sa aking asawa?, kalayaan upang talikdan ang aking responsibilidad sa aking mga anak? Kalayaan upang abusuhin ang aking kakayan sa pakikipagtalik? Kalayaan upang itiwalag ang aking pananampalataya sa Maykapal? Isaalang-alang ang mga sumusunod na tanong sa akin ng isang batang babae: “Ako ay 21-taong gulang na liberal na gumagamit ng Pill ng dalawang taon. Ito ay masyadong mahal na sa tingin ko ang aking kasintahan ay dapat ibahagi ang kalahati ng gastos, ngunit natatakot akong talakayin namin ang pera.” Ang tunay na problema sa likod ng mga inaaping kababaihan ay kawalang paggalang sa kanila ng kalalakihan bilang tao, kontrasepsyon ay isang siguradong paraan upang panatilihin ang mga kababaihan sa tanikala.

Ang mga naunang peminista ay taliwas sa paggamit ng kontraseptibs dahil sa kadahilanang ito, at ang ibang modernong peminista ay napagtatanto na ang kaaway ng liberasyon ng mga kababaihan. Gayundin, ang mga antropolohiya na nag-aral sa pinagmulan at pagkasira ng sibilisasyon ay nagsabing ito’y dulot ng pakikipagtalik sa labas ng tahanan at hindi pagtalima sa kabutihan ng kasal kaya ang pamilya ay nagsisimulang gumuho. Kung gusto mong sirain ang lipunan, h’wag mong sirain ang gobyerno, sirain mo ang pamilya at tiyak na masisira ito.

Kaya ang Simbahan ay hindi nag-aatubili na ituro ang malawak na implikasyon ng kontraseptibo. Ang pag-ibig sa pagitan ng asawa sa asawa ay ipinagbubuklod ng Kasal. Isang matibay na kasal na may panata at pangako tungo sa matibay na pamilya –na siyang pundasyon ng lipunan. Ayon sa Simbahan, “Ang kinabukasan ng sangkatauhan ay pumasa sa pamamagitan ng paraan ng pamilya.”

Ang pagsasabatas ng paggamit ng kontraseptibs sa ibang bansa ay nagdulot ng maraming sirang pamilya, dumami at napadali ang diborsyo, lumala ang sakit dala ng pakikipagtalik, pagbaba sa kasal ng lalaki at babae at pagtaas ng mga kinakasal sa parehong kasarian, bumaba ang moralidad, pag-abuso sa mga kababaihan. Ito ba ang nais mong bansa? Isang kanser sa sibilisasyong ito?

Sa panahong mainit ang pagpasa ng RH Bill, naglalaban ang kolonyal imperyalismo ng  Amerika at Katolisismo sa Pilipinas. Ang pagyakap sa artipisyal na pamamaraan o pagtalima sa relihiyong ating kinagisnan ang nag-uumpugan. Nahihirapan tumimbang ang mga Pilipino dahil tayo ay likas na mapagmahal sa pamilya, maaruga sa magulang at magalang sa mga kababaihan na turo ng relihiyong dinala ng mga espanyol.

Parehong may mabuti at masamang maidudulot kung maipasa man ang RH bill, ngunit ang nakikita ko ay mas mananaig ang masamang dulot kumpara sa mabuti lalo na sa usaping moral. Nahahalina lamang tayo sa magandang pangalan ng Reproductive Health Bill, atin munang basahin ang kabuuan ng kartel at magpasya.


Pag-ibig ang dahilin kung bakit.

16 kumentaryo:

Jun-Jun said...

likas sa tao ang pagiging malibog, sakim at makamundo, kahit harangin ng simbahan ang paggamit ng kontrasepsyon, hindi parin masasabing mababago ang kasalukuyang kalagayan sa ganyang mga usapin,milyon milyon na ang namamatay sa gutom, kulang na kulang na ang likas na pinagkukunang yaman, anong solusyon, hindi pagpatay ang layunin ng kontrasepyon kundi pagpigil sa nalalapit na digmaan, digmaan sa pagitan ng mga taong mag aagawan sa kakarampot na butil ng palay.

Batang Mapagmasid said...

Tama ka, tulad ng sabi ko sayo, ang tao ay likas na malibog, sakim at makamundo.
Kaya nakalulungkot isipin na mas inuuna pa natin ang ating pansariling kagalakan na siyang nagsasadlak sa kahirapan ng ating bayan.

Ang sanhi ng digmaan ay ang niyayakap mong paniniwala. Hindi mga kalahi natin ang mag-aagawan sa likas na yaman kundi tayo mismo ang ninanakawan.

Jun-Jun said...

walang magnanakawan kung sapat sa lahat ang yaman, ngunit sabi mo nga, likas sa tao ang pagiging sakim, kabibiliban ko ang sinumang makakapagpabago ng natural na kalagayan ng tao, ngunit buhay ang maaring ilaan sa paglaban sa normal na agos ng buhay, iyan narin ang dahilan kung bakit ko nasabing impyerno ang ginagalawan nating mundo, dahil taliwas sa buhay ang mga bagay bagay, depende nalang sa atin kung paano natin titingnan ang mga tanawin bilang napakagandang imahe.

Batang Mapagmasid said...

maaring sa paningin mo ay impiyerno ang buhay, ngunit hindi sa paningin namin. Kahit sapat o sobra ang yaman, magnanakawan ang mga bansa dahil walang kakuntentuhan ang tao. Kaya nga sila magnanakaw pa dahil permanente sa atin ang kasakiman.

Hindi taliwas sa buhay ang mga bagay bagay, maaring nasasabi lang 'yan dulot ng iyong kasalukuyang nararamdaman, ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon.

Jun-Jun said...

aanihin ang mga palay ngunit nasira ng bagyo, may mayaman at mahirap, dumarami ang mahihirap, mas yumayaman ang mga mayayaman..

hindi ba dapat ay pantay pantay? permanente sa atin ang kasakiman, ang pagiging sakim ay dulot ng demonyo at kung nasaan ang demonyo ay iyon ang impyerno.

Jun-Jun said...

ang pagiging malibog ay likas, ang libog ay dulot ng kabalakyutan at ng demonyo, ang kasakiman ay demonyo rin ang may gawa, ang pagiging makasarili ay demonyo rin ang may gawa. iyan ba ang paraiso?

Batang Mapagmasid said...

ang 'yong paniniwala ba ang kasagutan sa pagkakaroon ng pagkapantay-pantay? Ang kasakiman ay dulot ng demonyo, demonyong niyayakap ng marami. Kanino ka tatakbo pag inaatake ng demonyo? sa kanyang mga anak ba?

Para saan ang iyong pangarap kung hahayaan mo na lamang ito'y tupukin ng sinasabi mong impierno?

Jun-Jun said...
This comment has been removed by the author.
Jun-Jun said...

MAARING OO MAARI RING HINDI, NGUNIT ANG MAHALAGA AY ANG HANGARIN, MAARING MAGKAROON TAYO NG IBAT IBAT PANANAW UKOL DITO, MAARING ANG TAMA SA IYO AY MAGING MALI SA AKING PALAGAY, "NGUNIT GUSTO KONG LINAWIN NA HINDI KO KAILANMAN HAHAYAANG TUPUKIN NG IMPYERNO ANG ANG HANGARIN" MAARING NAKATIRA TAYO SA ISANG MALAKING DELUBYO, NGUNIT NASA ATING MGA KAMAY KUNG PAPATALO TAYO SA BULONG NI SATANAS..

GAYA NG SINABI MO, ANG TAO AY LIKAS NA SAKIM, AY SINABI KO NAMANG DULOT ITO NG DEMONYO DAHIL HINDING HINDI IDUDULOT NG DIYOS ANG KASAKIMAN,

NGUNIT SA HULI MONG PAHAYAG AY NIYAYAKAP NG TAO ANG KASAKIMAN, NANGANGAHULAAN ITO NG PAGYAKAP RIN SA DEMONYO, KUNG AANALISAHIN, KUNG LIKAS SA TAO ANG PAGIGING SAKIN, DIBA IBIG RING SABIHIN NITO NA LIKAS DINSA TAO ANG PAGYAKAP SA DEMONYO.

AT LAHAT TAYO AY YUMAYAKAP SA DEMONYO.. ISIPIN MONG MABUTI...

Batang Mapagmasid said...

Kaya ba tatalikdan mo ang Diyos?

Tatanungin kita sa iyong isinulat, "ANG TAO AY LIKAS NA SAKIM, AY SINABI KO NAMANG DULOT ITO NG DEMONYO DAHIL HINDING HINDI IDUDULOT NG DIYOS ANG KASAKIMAN,"
Ano naman ang paraan ng Diyos upang "Hinding hindi" Niya idulot ang kasakiman?

Sagot: Pagmamahal

Tootong natural sa tao ang pagiging sakim, ngunit nakalimutan mong mas likas sa kanya ang pagmamahal, ikaw ay minamahal at nagmamahal kaya mo ninanais na ipagpatuloy ang iyong buhay. Pagmamahal ang lulupig sa kasakiman, tulad ng pagnaig Niya sa kasamaan.

Lahat tayo ay yumayakap sa Demonyo? ito ba ang dahilan nang iyong ipinaglalaban?

Pag-ibig ang dahilin kung bakit.

Anonymous said...

Pag-ibig. Very powerful word.

Jun-Jun said...

hindi ko kailanman tinalikuran ang diyos.

ang laban ay kung papaano natin itatakwil ang pagiging likas na masama...

pagmamahal, oo iyan ang sagot sa lahat, tama ka... ninanais kong mabuhay dahil nananatili akong matatag sa tulong niya, sa kabila ng lahat...

hindi pa ba sapat na ibedensiya yan upang masbi kong hindi ko nakalimutan ang pagmamahal, iyan din ang sinasabi kong paraan upang makita ang impyernong mundo bilang napakagandang tanawin, kanya kanya nga lang tayo ng imaheng nakikita.

pagmamahal din ang dahilan kung bakit may umaalpas sa pagsubok, wag mo sanang isiping tinatalikuran ko na ang diyos, dahil gaya ng sbi ko dati, naniniwala ako sa bibliya at sa salita ng diyos, hindi ako ganun kasama kahit pa sabihing likas sa akin at sa atin yun.

Jun-Jun said...

Huwag mong husgahan ang paniniwala ko sa diyos... maaring hindi mo lang ako nauuunawaang lubos, ngunit naiintindihan kong hindi mo ako maunawaan, magkaiba lang talaga tayo ng paniniwala!

Batang Mapagmasid said...

Saan ba nananahan ang Diyos?

ganun din ako.

Jun-Jun said...

maraming salamat!

Batang Mapagmasid said...

Maraming salamat jun jun sa isang makabulahang pagpapalitan ng paniniwala at ideya!

Post a Comment