ng Batang Mapagmasid
Hindi mo ba naririnig
Nakabibinging hiyaw at daing
Tangkain mo kayang tanggalin
At sa kanila ay ibaling
Upang iyong makita
Ang mga walang makita
Sapagkatl iyong binulag
Sanhi ng kanilang paglabag
Ika’y kanilang tinititigan
Sikapin mo kayang malasin
Hindi ba’t masakit sa mata?
Na mahapdi sa diwa?
Ano iyong ginagawa?
Kundi isawalang bahala
Bumili ng maipagyayabang
Bituka nama’y nahahalang
Puno ka ng kinang sa balat
Ngunit kaluluwa ay salat
Bakuran ay bundok na kalat
Sa puting mapagkunwa sa lahat
Upuan ayaw padapuan
Agawan sa ‘di kalayuan
Ipinipirme sa kaharian
Nakaw pala sa mamamayan
Sa pagkatulog ay mambubulabog
Patalim sayo ay gugulong
Sa kahon ika’y mahuhulog
Suot ang magarang barong
Ihihimlay sa kwadradong rehas
Sila’y muling mangangahas
Kunin pabaon sayong alahas
Para may pambili ng gatas
Mataguyod lang kanyang anak
Sa pamilya mo’y tatarak
Ikaw ang nagbahid ng burak
Sa lahi mong malawak
2 kumentaryo:
Pana-panahon ng pagkakataon...
Maibabalik ba ang kahapon?
Ang pagkakataon ay sinasabing pana-panahon...
Ngunit ang kahapon ba ay maibabalik?
*wink
Post a Comment